Monday, October 19, 2009

with mamen (kababata episode)

Day 1, Friday (October 16)

nagtext yung pinaka matagal ko nang kababata/tropapis/barkada/kaibigan/kapatid, sabi pupunta daw samin, ayun ok syempre ok sakin kasi matagal ko na siya di nakikita. Nagpalaimig agad ako ng aming maiinom, at dahil may pinuntahan din ako pagdating ko shot muna ako ng 2 beer habang nag-aanatay, mga 10:30 may bumusina na sa tapat ng bahay, siya na nga. Salubong ng matinding apir at kamustahan, pag-pasok sa bahay, shot mode na agad at umaatikabong kwentuhan...Then after nun, mga 1am nag kayayaan muna mag dota, at dahil 2 pc sa bahay sakto ang players at GG mode na. 3:30am na nang matapos kami sa bakbakan ng mga hero, medyo malas lang kasi hindi kami nananalo sa laban na yun dahil senglot na kami.tsk bawi na lang boy!!!

Day 2, Saturday (October 17)

pagkagising, almusal na, dahil may appointment ako kay doktora, nagpasama lang sandali at dumeretso na sa aming kinalakihan na lugar, binisita ang aming tita, kumaen ng lunch, balik ulit sa bahay para magdota at sa pagkakataong iyon, kami ay bumawi sa pagkatalo, medyo napaganda ang laro. Makalipas ng ilang oras, nagutom, pumunta kaming kanto para mag merienda. Hindi ko balak matulog doon sa kabila kaso minsan lang talaga kami magkita, napagpasyahan ko nang doon na muna matulog, kwentuhan sa terrace ng tungkol sa aming mga iniibig. Sabay tawag ni tita ng kainan na, pancit canton with gulay at daing, the best yung daing. Dahil medyo puyat pa, maaga ako nakatulog at siya ay nag babad muna sa phone kausap ang kanyang labidabids(yihheeee)..

Day 3, Sunday (October 18)

nauna ako nagising, kape mode muna sa terrace, nakikita ko ang mga nakalaro namin nung bata pa kami, mga kapitbahay sabay labas na rin nya, tawanan sa pinag gagawa namin noon. Pagkatapos mag-almusal, balik sa bahay, dota mode again, maganda uli ang laro. Tapos nun kain at pahinga muna, ligo dahil may lakad uli, dahil may wheels siya, nagpasama na ako sa kanya. Gabi na nang makabalik sa bahay, medyo nasipan muling tumoma at may bago akong nadiskubre na naman na inumin, GSM Blue,Milo at condensed milk, ayos masarap pati si ate nasarapan, 1 on 1 sa garahe, tamang chillax lang. Pagkatapos akyat sa taas nood movies pampaantok, wala pang 30 mins bagsaka na kami.

Day 4, Monday (October 19)

May Lakad kami pareho, maaga ako umalis, naiwan siya sa bahay,nag text sakin bandang hapon. Kita-kits uli....continue pa din ang aming happy happy, mayang gabi shot mode uli.^^

No comments:

Post a Comment