Monday, September 28, 2009

oh ondoy

September 26.....

9am nang tumayo sa higaan, umuulan at madilim, punta sa cr then baba timpla ng kape tapos akyat bukas ng laptop. Log-in saFacebook,yahoo,ym, at myspace at bisita sa
torrents at piratebay, maya-maya sigaw si ate sa baba:
"toneeeet, baba ka muna,tulungan mo sila dito sa labas,bumabaha na buksan niyo yung drainage."

Baba agad, pag labas ng bahay, baha, nag pa-ulan na ako hawak ng mahabang bakal na pang sungkit sa drainage para matanggal ang takip kasama ang mga kapit-bahay. Ayaw matanggal ng takip, matigas dahil bagong semento lang ng street namin kaya medyo virgin pa.

11AM
nagpapasundo si ate sa school, dahil baha na nga,hindi na rin namin siya nasundo, nagpalipas sila sa Victoria Court kasama mga anak niya.

3pm, di parin tumitigil ang ulan at nakita na sa tv ang baha ng buong manila, para na namang malaking swiming pool ang manila at ang pinaka na apektuhan ng baha ay ang Cainta,Pasig,Rizal at Marikina, mahirap man o mayaman, bata man o matanda hindi pinatawad ng bagyong ONDOY.

Ako ay nakikiramay sa mga nawalan ng minamahal at nawalan ng ari-arian, mga bahay, sasakyan at kabuhayan. Sa isang iglap lang nawala lahat ng pinag hirapan.

Ngayon palang puro bagyong Ondoy ang News and I'm sure 1 week na naman ito sa mga news..

at ikaw PEPENG, sana pag dating mo dito sa Pinas maging mabait ka sa amin..ok??

No comments:

Post a Comment