dahil hindi pa ako buhay nyan at kasalukuyan na sa loob pa lamang ako ng tyan ng aking ina, nagaganap ang maksaysayang "People Power". Nagkaisa ang mga mamamayang Pilipino upang pabagsakin ang rehimeng Marcos, ngunit hindi naging madali yon, sundalo at tangke ang kasangga ng mga nagra-rally sa lansangan, madre,pari,bata,matanda,mayaman,mahirap ay nagtipon-tipon upang pigilan ang pagtangkang lusubin ang Camp Aguinaldo dahil doon nag-tipon ang mga opisyal na kumalas sa administrasyon at gustong pasabugin ang lahat ng nagra-rally. At dahil sa panahong iyon, doon din nagtatrabaho ang aking ina bilang Controller sa GHQ sa Camp Aguinaldo, sila ang nag aapruba sa mga Funds at Salaries a ng mga Sundalo.
Nagkakagulo na sa labas ng Campo pero andun pa rin sila, ang alam nila ay susugurin na talaga sila ng mga militar na kaanib pa ng mga Marcos. Ang mga madre ay nagdadasal sa harap ng mga dambuhalang tangke at binibigyan ng puting rosas at pagkaen, ang mga tao pinakikiusapan ang mga su ndalo na maki-anib na sa kanila. Tila isang himala ng biglang umamo ang mga sundalo at hindi na itinuloy ang balak na karahasan, nilusob na ng mga tao ang Malacanang at masayang masaya tila ay uhaw-na uhaw sa kalayaan na ipinag damot ng Marcos. Nagtagumpay ang mamamayan, nakamit natin ang demokrasya dahil sa isang tao, ang tao na hindi natin aakalain na kaya pala kahit na siya ay isang babae, siya ay walang iba kundi si dating pangulong Corazon "Cory" Aquino. At matapos nun, makaraan ang ilang araw, ako'y isinilang(March 4).
Siya ang nag-simula ng "Laban Signs" (L). Nanumpa siya bilang pangulo ng Pilipinas, binago ang saligang batas, kahit ilang coup de ta pa ang kanyang naranasan, hindi siya natinag, kahit ilang kalamidad pa ang dumaan, nakatayo parin at hindi sumuko sa mga hamon. Kahit na pwede syang tumakbo muli bilang pangulo, hindi niya na muling hinangad na umupo muli bilang presidente bagkus ipagkakatiwala niya ito sa kung sino mananalo sa susunod na halalan.
1991
Kahit na wala pa akong muang noon kung ano ginagawa ng Presidente, kahit hindi ko pa sya nakikita personal, parang magaan ang loob ko sa 'twing nakikia ko siya sa telebisyon, nakilala ko siya siguro 5 years old ako noon kinder, dahil sa kalamidad na nangyari, ito ay yung lumindol ng malakas at madaming nasawi, tumulong siya agad at nag-assign ng mga volunteers na magliligtas sa buhay ng mga tao na na trap sa gusali ng Hyatt Hotel sa Baguio.
Noong medyo nagkaroon na ako ng malay na kung sino siya, isa pala talaga siyang dakilang pilipino. At lubos kong naunawaan kung ano-ano ang kanyang naiambag sa ating bayan.
January 2008
Ibinalita sa publiko na mayroon siyang karamdaman, "Colon Cancer", yan ang kanyang naging karamdaman, inilaban niya ito at nag undergo sa "Chemotherapy". Dumadalo parin sa mga panauhing pang dangal, sumasama sa mga rally at nagsisimba sa tuwing humihingi ng tulong sa diyos upang maging maayos ang ating bansa.
August 1 2009
Pumanaw na nga ang ating pinakamamahal at itinuring na ina ng Bayan, ang Ina ng Demokrasya.

"Salamat Cory, sa iyong naging sakripisyo para sa bayan, hindi inisiip ang pang sariling kapakanan, hindi inabuso ang kapangyarihan.Yan ang tunay na lider ng bayan."
No comments:
Post a Comment