Wednesday, July 15, 2009

and digmaang rosas

Narinig ko 'tong salitang 'to kay Aya,classmate ko nung 2nd year college ako.Una, asar ako sa kanya kasi mukha siyang mayabang, pero nung nakilala kona,ok pala,haha!!!pareho kami,payat na matangkad tapos may sungki din sya,aw...Ayun balik tayo sa digmaang rosas, ginawa daw kasi yun ng tropa niya sa girl na gusto niya. Nagkekwentuhan lang kami nun sa likod ng room kasi wala kami professor nung time na yon kaya abala ang lahat sa chikahan at kung ano-ano, binanggit niya sakin yun dahil gusto niyang gawin ko yon(hindi ko na i mention yung name), seryosohan ang usapan namin that time at hindi ko alam kung baduy yon oh ewan kung gagawin ko yon,haha! kaya hindi ko rin nagawa... Ito ang procedure kung papaano gawin ang umaatikabong "DIGMAANG ROSAS":

1) bumili ng 1 dozen of red roses, dapat hiwahiwalay 'to(sasabihin ko mamaya kung bakit)
2) bumili ng original vcd/dvd na ang title dapat ay "GHOST"(starring Patrick Swayze, Demi Moore at Whoopi Goldberg),ok 'tong movie na 'to dahil napanood ko na=))
3) kausapin or i text mo yung Girl na Mahal/Gusto mo na kung pwede magkita kayo(dapat mapilit mo siya)
4) Pumunta sa isang lugar na matao (sa mall or park, yung medyo maayos at hindi hassle pag may ginawa ka)
5) maki-usap or kumausap ng 11 na hindi kakilalang tao(maayos mong pakiusapan sila at yung matitino ang piliin)
6) pag ok na yung 11 na tao, ibigay sa kanila yung rosas,tig-iisa sila('yan 'yon kaya dapat hiwahiwalay yung rosas)
7) sabihin sa kanila kung kanino at paano nila ibibigay yung rosas:
a. isa-isa silang lalapit sa Girl at ibibigay yung rosas(mga 5 secs. yung gap ng bawat magbibigay)
b. pag nagtanong yung Girl, huwag sasabihin kung kanino galing.
c. umalis agad yung magbibigay ng rosas.
d. yung pang 11 na magbibigay sasabihin sa Girl "May magbibigay pa ng huling rosas sayo"
8) at ikaw ang ika-12 na magbibigay(dapat ok yung entrada mo nun,yung pang korean movies dapat)
9) at sabihin mo sa kanya yung nadarama mo talaga, huwag kang mahihiya sa maraming tao na nakapaligid sa inyo tapos yakapin mo siya ng mahigpit.
10)
ibigay mo na rin yung original vcd/dvd na "Ghost" tapos sabihin na panoorin niya 'to (maganda kung 2 kayong nanonood nun)

ok gets???
at yan ang dapat gawin sa "DIGMAANG ROSAS" dapat isapuso ito...


pag may opportunity ako na gawin 'to, mga 65% siguro magagawa ko 'to,haha!!!yaaiiicckks!!!

AYA at ako...
Tsk nakakamiss si AYA!!

No comments:

Post a Comment