Friday, May 8, 2009

solo mode

yeah yeah,ahhmm,gumising ako mga 9:30am,nag muni muni and then after 10 minutes bumangon at dahil hindi pa bukas ang motor ng tubig,bumaba na ko para maghilamos at tutbras sabay timpla na ng kape. Hindi nako kumain ng almusal kasi hindi pako ganun kagutom,kape ok na sakin,tapos log-in agad sa ym,facebook,myspace at friendster at binisita ko ang torrents family,haha!!!si mama buzz agad at nag good morning ka chat nagtanong ng kung ano ano at si tin na tropa ko nung hayskul days na nasa california na ngayon nag-uusap tungkol sa buhay buhay noon at ngayon(araw-araw ko naman ka chat yun,pero miss na kita,kaya umuwi kana) at wala si ron na dapat kakulitan ko din sa ym. Lunch time na, medyo gutom dahil hindi nag breakfast,pagkatapos akyat sa kwarto para mag siesta,basa ng konti tapos ayun lagpak, 3:30 na ng magising, at gutom uli,nagiisip ng kakainin,pumunta sa kanto bumili ng isaw at dunkin donut,pag uwi sa bahay,uyyy online si karen v. at nag pm agad ako,nyahaha! kakarampot na words galing sa kanya pero masaya nako dun,atleast diba??hehe!!!karen is still karen...lupet!hindi pa nakuntento,kumaen pa ng pansit canton na meirenda nila ate karla,peace....akyat uli tapos nag-iisip na naman kung ano ang next move,so ayun....tingin sa wallet kung may madudukot pa para pambilie ng pulang kabayo at swerte meron pa,nasa atm kasi ang iba para hindi magastos agad...naghanap ng 2 bote ng rhb at takbo sa tindahan nila kuya alex at ang nag babantay???hehe!!siya na yun,basta,medjo hindi pa malamig,kelangan pa ng yelo,mabuti at may imbak kami!,then ayun nasa sala lang nag sosolo at nanonood ng TV PATROL WORLD,what's the news??ganun parin,nakakasawa na!...parang showbiz talaga ang politika natin,tsk tsk!
sabay tabi si ate karla...

K:"wala kang pulutan kahit mani lang?"
M:"okay lang hindi naman 'to hard eh,beer lang naman."
K:"ahh okay,pero naka mug ka ah,hehe!ilan ba binile mo?"
M:"wala lang,trip lang,para yung mga display nagagamit,haha!!!2 lang binile ko"
K:"hehe.ok,"
sabay may commercial,hindi namin alam pareho..
K:"oh,hulaan ng commercial oh???.."
M:"sige,sports unlimited yan."
K:"hindi ahh..."
M:"oo,dyan castillejo yan eh.."
K:"oo ngano??galing ah."
M:"hehe!!"
M:"ano ulam??
K:"adobong sitaw at pritong isda..ok na ba yun?"
M:"ahhh okay sige sige."

Tapos Pacman news na naman,umuwi na siya!!!(sana kasing swerte ako ni pacman!!), naks!pa laptop laptop na lang sa business class plane,tsk!!(balato naman jan tsong)...ayun kainan na at ansarap ng ulam isda sawsawan with kamatish at bagoong,wooosh!!!at feeling amerikano, beer ang panulak ko,haha...(okay lang yan,paminsan misnan lang naman). Pagkatapos,pahinga konti sa paglamon,Santino mode muna konti, tapos nangulit ang makukulit na pamangkin,si reign(nag ta taekwondo para maging tunay na lalake),si mica(cute dati,ngayon pacute na...)at syempre ang favorite dahil bunso at baby pa si Nina aka ching(dahil hankyut nya parang sa commercial ng camella homes,bulilit bulilit sanay sa masikip,kung kumilos kumilos ang liit liit).Ansaya lang,balik sa pagkabata kumbaga,so ayun akayatan na dahil matutulog na si bulilit at ako rin,binuksan si lappy para mag download magdamag.Bukas uli,sana dumaan si manong magtataho,miss kona yun tuwing umaga at nasasabik nako sa taho nya.(masagwa ba??hehe)

sige sounds muna ako ng DOOM sa kwarto at magpapaantok na...

No comments:

Post a Comment