Wednesday, November 18, 2009

amott brothers

Sorry guys ngayon lang uli ako nag bukas ng blog, nakakatamad mag type eh,LOL....

Anyweeeiisss... mag 1 month na after mag concert ng "Arch Enemy" dito sa Pinas, minsan lang magconcert mga ganyang banda kaya I grab the opportunity to watch this in live.

Nalaman ko lang 'to unexpected, habang nagbabanatay sa store ng ate ko bukas ang radio dahil minsan lang ako mag radio sa NU 107, ok sige sounds....maya-maya isang radio ad ang pinatugtog, ARCH ENEMY LIVE IN MANILA!!!! whhoooooaaaa!!!nagulat ako nun, takbo agad sa taas para mag net at icheck kung totoo yun, at totoo nga, browse agad kung magkano ticket, 2,000 VIP + Meet and Greet, 1,500 VIP, 600 Gen Admission. Syempre sa mura lang ako, hindi ako mapakali kung papaano ako makakabile ng ticket at biglang may pumasok sa isip ko...."Nag paburn ate ni Ron ng movies, imbes 1 dozen na Krispy Kreme + cash ang bayad, ticket na lang ng Arch Enemy ang kapalit". Yun na ang 1st option ko para makakuha ng ticket, Buzz agad kay ate Eden, at sinabi nga ang 1st option, yahooooo!!!pumayag...whew!! Tinapos ko na agad ang Movies, OST at Movie Trailer na pinapagawa then tumawag si ermats, humingi na din ako ng panggastos papunta dun at swerte din binigyan din ako. Ok positive na ako sa concert, excited na para makuha ang ticket.

Oct. 16 (Friday)
Punta kila Ron para ma deliver
ko na ang pina Burn sa akin ni Ate Eden, at ang kapalit, isang umaatikabong ticket ng Arch Enemy + GC ng Krsipy Kreme.HAHA!!


Then nagpm bigla si Jojo sa FB:
"Tol Punta ka ba Arch Enemy??
"Oo, may ticket na ako, kayo ba ni Mjay punta?"
"Oo, pero wala pa kaming ticket e,saan ba nakakabile"
"sa JB Music or Odessey or pwede rin dun na lang sa mismong Gig"
"ahhh ok sige, text text na lang, hahanap pa ako ng pera para makapanood kami"


Oct. 20 (Tuesday)
Ang araw na pinakahihintay...
Positive na rin sila Jojo, magkikita kits sa isang mall, habang nag-aantay, kain muna sa Krispy Kreme ginamit ang GC na binigay sakin,hehe!! 1 1/2 hours bago dumating sila Jojo, ampff na yan isang pelikula na yun eh.Pero ok lang nagmamadali na papunta dun dahil medyo late nga sila, Mahaba ang pila pagbile ng ticket sa MRT, whew....Pagkasakay sa MRT kulitan pa rin kahit siksikan na, 45 mins. later, haayss hanap agad ng jeep para makarating na sa WTC. Pagdating dun sakto lang may mga nakapila pa para sa "KAP-KAPAN MODE" madaming bawal.At may isang hindi inaasahang pagkakataon, pagkabile nila Mjay ng ticket, iba kulay ng sa kanila, Red sa kanila Green sakin, Nagtanong kung bakit iba ng kulay eh Gen. Admission lang ang pinabile ko sabay sabi ni ate
"VIP yan, san mo nabile yan?"
"Pinabile ko lang po kasi eto po yung bayad sakin nag pa burn kasi sya sakin, sa JB nya po nabile."
"ahhh. VIP yan, yan ang mali nila di nila alam kung anong kulay ang dapat mabigay."
"ahhh ganun po ba??hehe. swerte ko."

at natuwa naman ako dun!!haha, pagpasok, palit agad ng damit, habang mga Front Act palang ang tumutugtog,sinamahan ko muna sila Jojo at Mjay sa Gen. Admission Area. Pagtkatapos nun, sabi ko sa kanila
"mga tol sa VIP na ako ahh, papatatak nako dun sa labas ng VIP, sayang naman kasi eh"
"sige tol puntahan mo na lang kami dito."
"ok sige"

Pagkatatak, pasok sa VIP AREA, whew, medyo hindi masikip ang moshpit saktuhan lang, sabay may nakita..puchaaaaa!!!! si ALODIA GOSENGFIAO,(sorry sa mga hindi nakakakilala sa kanya) napaka swerte nga naman talaga oh....

Then after 30 mins. ng pag se set-up,umpisa na ang Headbangan paglabas nila Amott Brothers Headbang na agad...Karamihan sa gusto ko sa kanilang kanta tinugtog nila, We Will Rise, Dead Eyes See No Future,Burning Angel,Nemesis,Angel Claw,Blood On Your Hands, etc. Headbang lang ng headbang, feel ko nang humeadbang dahil medyo mahaba na buhok ko, HAHA!!!Halos ang lapit ko lang sa stage, kitang kita si Angela Gossow at Christopher Amott dahil siya yung nasa side ko, nasa kabilang side si Michael Amott, at na realize ko din na tao din si Christopher dahil may mga konting sabit din sya sa mga riffs nya,hehe!!Pero halimaw parin kahit medyo may sabit, tao lang din naman kasi pala sya. Tapos si Angela kala ko dati hindi masyadong maganda e, iba mukha nya sa personal, MAINIT na MAINIT..hehe!!!

Ayun masasabi ko lang sa concert Sulit na Sulit kahit konti lang nakanta nila!!!! Galing, Two-Thumbs Up, sana maipalabas yung DVD neto,hehe!!
oh next daw LAMB OF GOD ahhh.whew!!Ang tanging Metalcore na Pinapakinggan ko...May magkapatid din dito,hehe!! Chris at Will Adler!